Fri, 26 Feb 2021

Tagalog News: Concepcion namahagi ng mga kagamitan sa barangay, pulis

Philippine Information Agency
25 Jan 2021, 23:38 GMT+10

CONCEPCION, Tarlac, Enero 25 (PIA) -- Namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Concepcion ng mga tricycle ambulances o tribulances, sasakyan, motor, at transistor radios sa iba't ibang barangay at sa kapulisan.

May 45 tribulances na may kumpletong kagamitan tulad ng oxygen, first aid kit, at cooler ang ibinigay sa 45 barangay health emergency response teams.

Ayon kay Mayor Andy Lacson, lubos na makatutulong ang mga ito para sa mabilis na transportasyon ng kagamitang pangkalusugan tungo sa mga health centers lalong lalo na sa mga nasa malalayong barangay.

Isang 4x4 Mitsubishi Strada pick-up at anim na Honda motorcycles naman ang ibinigay sa Concepcion Municipal Police Station.

Ani Lacson, dadagdagan pa ito ng dalawang mobile cars na magagamit ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa bayan.

Isang 4x4 Mitsubishi Strada pick-up din ang binigay sa mga rescuers upang mapabilis ang pagresponde sa mga lubos na nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Samantala, mga transistor radios naman ang ibinigay sa iba't ibang eskwelahan para sa kanilang radio-based instructions ngayong panahon ng distance learning. (CLJD/GLSB-PIA 3)

More Japan News

Access More

Sign up for Osaka News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!